UP Medical Alumni Society of America
Class of 1984 Members
Did you know that UPCM Class ‘84 has made history?
To date, we hold the one and only record of first place threepeat in the Tao Rin Pala choral competitions.
Kanina, Ngayon (Mga Anak sa Bulwagan)
Lyrics – Ted Achacoso
Music – Frankin Kleiner
Arrangement – Ato Jose
Kanina ay nakita ko isang hirap na pulubi
Ang damit niya'y gulanit at ubod ng dungis
Kaawa-awaang nakaupo sa isang tabi
Ang nagisnan na buhay ay hinagpis
Kanina'y nadaanan ko isang munting tahanan
Isa lamang sa marami na nagkumumpulan
Tagpi tagpi na dinding butas na bubong
Mga limot na mortal nakakulong
Refrain:
Mga anak sa bulwagan ng talino at galing
Mabibilis na sandali huwag nating sayangin
Hindi lamang bukas ang alalahanin
Kundi ang ngayon ng bayan natin
Bayan natin
Ngayo’y aking napagtanto kay palad ng pulubi
Na kahit sa dampa lamang siya'y nakakandili
Kaysa usigin ng aking dungis ng budhi
At makulong sa mundo ng guni-guni
Refrain:
Mga anak sa bulwagan ng talino at galing
Mabibilis na sandali huwag nating sayangin
Hindi lamang bukas ang alalahanin
Kundi ang ngayon ng bayan natin
Ang ating buhay sa buhay rin iaalay
Dakilang layunin na di mawawalay
Sa puso't damdamin pagkakaisang wagas
Ang tanging kaluluwa at lakas
Mga anak sa bulwagan ng talino at galing
Mabibilis na sandali huwag nating sayangin
Hindi lamang bukas ang alalahanin
Kundi ang ngayon ng bayan natin
Bayan natin
This page will expire on December 31, 2024